Eala balik Spain para pumalo

Magiging abala agad sa buwang ito ang magbabalik ngayong Martes sa Spain na top junior girl tennis player ng bansa na si Alexandra ‘Alex’ Eala sa pagpokus na sa women’s tournament sa pagpalo agad sa 2-3 $15,000 netfest simula sa January 18.

The post Eala balik Spain para pumalo first appeared on Abante.

eala balik spain para pumalo - Eala balik Spain para pumalo
alex 1 - Eala balik Spain para pumalo

Magiging abala agad sa buwang ito ang magbabalik ngayong Martes sa Spain na top junior girl tennis player ng bansa na si Alexandra ‘Alex’ Eala sa pagpokus na sa women’s tournament sa pagpalo agad sa 2-3 $15,000 netfest simula sa January 18.

Bukod sa mga torneo, ipagpapatuloy rin ng 15-anyos ang training niya sa Rafael Nadal Academy sa nasabing European country makaraang gugulin sa ‘Pinas ang Kapaskuhan, pero may limang oras na pag-eensayo araw-araw.

Aniya, galing ang training modules sa kanyang coach sa Spain na nais siyang mapanatili ang porma para sa simula ng 2021 makaraan na naging maganda pa rin ang taong 2020 ng tinedyer kahit may Covid-19 na tinampukan nang paramdan sa limang Women’s Tennis Association (WTA) event.

Napanalunan ni Eala ang Australian Open junior girls doubles title katambal si Priska Nugroho ng Indonesia at nakarating sa French Open junior girls singles semifinals upang maabot ang career-high No. 2 sa International Tenis Federation (ITF) rankings.(RC)

The post Eala balik Spain para pumalo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *