Durant No. 7 na sa Brooklyn

WALA nang Kevin Durant na nakasuot ng No. 35 sa likod ng jersey sa Brooklyn.

durant no 7 na sa brooklyn - Durant No. 7 na sa Brooklyn
kevin 4 - Durant No. 7 na sa Brooklyn

WALA nang Kevin Durant na nakasuot ng No. 35 sa likod ng jersey sa Brooklyn.

Pero may isang No. 7 na magiging katulad ng galaw ni Durant, ka-porma ni Durant, kasing-angas ni Durant. Dahil siya si KD.

Mas malamang na hindi pa maglaro sa Nets si Durant sa 2019-20 season habang nagpapagaling ng torn Achilles, sa mga susunod na season ay No. 7 na siya.

Sa Oklahoma City Thunder, hanggang lumipat ng Golden State at nakadalawang kampeonato at dalawa ring Finals MVP sa Warriors, No. 35 si Durant.

Lumipat ng Nets si Durant, kasama si Kyrie Irving mula Boston Celtics, nitong July.

Bigla, nayanig ang East, lalo ang New York. Matagal nang ipinagwawasiwasan ng Knicks ang Nets sa New York.

Habang nagpapagaling pa si KD, si Irving muna ang mamumuno sa team.

No. 6 sa East ang Nets pagkatapos ng nakaraang regular season, bumiyahe ng playoffs bitbit ang 42-40 win-loss record.

Nasipa nga lang sila sa Philadelphia 76ers sa first round.

Wala nang D’Angelo Russell ang Brooklyn, pero may Irving naman. Parating pa si Durant.

Meron pa silang veteran center kay 6-foot-11 DeAndre Jordan, kapalitan si Jarrett Allen. Maaasahan din ni coach Kenny Atkinson sina guards Spencer Dinwiddie at Caris LeVert, at forwards Wilson Chandler, Joe Harris, Taurean Prince at Joe Harris. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *