Durant, Irving ginutay Celtics

PASIKLAB sina Kevin Durant at Kyrie Irving sa preseason finale ng Brooklyn.

The post Durant, Irving ginutay Celtics first appeared on Abante.

durant irving ginutay celtics - Durant, Irving ginutay Celtics
Nets - Durant, Irving ginutay Celtics

PASIKLAB sina Kevin Durant at Kyrie Irving sa preseason finale ng Brooklyn.

Nagsumite si Durant ng 25 points, 6 rebounds at 2 assists, may 17 points at 7 rebounds si Irving at kinubabawan ng Nets ang Boston Celtics 113-89 Biyernes ng gabi sa TD Garden.

Sa opening night sa Dec. 23 (araw sa Manila) ay iho-host ng Nets si Stephen Curry at ang Golden State Warriors.

May 18 points pa off the bench si Caris LeVert para sa Brooklyn.

Maagang dumistansiya ang Nets 35-23 sa first quarter at hindi na lumingon.

Sa ilalim ng bagong coach na si Steve Nash, maayos ang distribusyon ng bola. Kilalang ‘pass first point guard’ si Nash nang maging two-time MVP sa liga,

Kontra Celtics, namigay ng 25 assists ang Nets – tig-5 kina Irving at center DeAndre Jordan.

Halos double-double ding 9 points, 11 rebounds at inambag ni Brooklyn reserve Jarrett Allen.

Namuno ang 19 points at 9 rebounds ni Jayson Tatum sa Boston, pero si Jaylen Brown na lang ang naka-double digits sa 16 points. (VE)

The post Durant, Irving ginutay Celtics first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *