Durant, Irving garahe: Brooklyn Nets nganga

Inumpisahan nina Kevin Durant, Kyrie Irving at ng Brooklyn ang season sa back-to-back wins, pero naupo sa second half ng back-to-back games at natikman din ng Nets ang pangalawang sunod na talo.

The post Durant, Irving garahe: Brooklyn Nets nganga first appeared on Abante.

durant irving garahe brooklyn nets nganga - Durant, Irving garahe: Brooklyn Nets nganga
kd and kyrie - Durant, Irving garahe: Brooklyn Nets nganga

Inumpisahan nina Kevin Durant, Kyrie Irving at ng Brooklyn ang season sa back-to-back wins, pero naupo sa second half ng back-to-back games at natikman din ng Nets ang pangalawang sunod na talo.

Nasa bench ang dalawang superstars, tumukod ang Nets sa Memphis sa overtime 116-111 Lunes ng gabi.

Naglaro ang dalawa noong Linggo pero nasilat din ang Brooklyn sa Charlotte.

Kontra Gizzlies, “injury recovery” ang nilista ni coach Steve Nash kaya hindi nag-unimporme ang dalawang stars.

Exit ang Rookie of the Year ng Memphis na si Ja Morant bago natapos ang first half nang abutin ng sprained left ankle.

Tinangkang blangkahin ni Morant si Timothe Luwai-Cabarrot pero paglapag ay natapakan ang paa ng Nets forward. Bumalik sa arena si Morant sa second half pero nanatili na lang sa bench na may 7 points, 2 rebounds at 3 assists.

Ibinaon ni Brandon Clarke ang go-ahead basket sa follow through 41 seconds na lang sa overtime bago siniguro ng Grizzlies ang first win ng season sa free throw line.

Umiskor si Kyle Anderson ng career-high 28 points, may 24 si Dillon Brooks sa Memphis. Tumapos si Clarke ng 16 points, nag-ambag si Jonas Valanciunas ng 14 points at 14 rebounds.

Binitbit ng 28 points at 11 assists ni Caris LeVert ang Brooklyn. (VE)

The post Durant, Irving garahe: Brooklyn Nets nganga first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *