Durant dinurog Golden State

Nilampaso ni Kevin Durant at ng Brooklyn Nets si Stephen Curry at Golden State Warriors 125-99 sa opening night ng NBA nitong Martes.

The post Durant dinurog Golden State first appeared on Abante.

durant dinurog golden state - Durant dinurog Golden State
abnate kd - Durant dinurog Golden State

Nilampaso ni Kevin Durant at ng Brooklyn Nets si Stephen Curry at Golden State Warriors 125-99 sa opening night ng NBA nitong Martes.

Laban sa dating team, pasabog si Durant ng 22 points 5 rebounds at 3 assists sa una niyang laro din sapul noong June 2019.

Game 6 ng Finals ng taong ‘yun inabot ng Achiller tear si KD, nagpa-opera at nalipat ng Brooklyn. Buong 2019-20 siyang nakagarahe.

Feeling good daw si Durant.

“I didn’t approach it any different,” aniya. “The preseason games I kind of felt the same energy, but it’s goot to get a win.”

Namuno sa Nets ang 26 points, 4 rebounds at 4 assists ni Kyrie Irving, may 20 markers, 9 boards at 5 dimes pa si Caris LeVert off the bench. Pinagsamang 17 of 32 mula sa field sina Irving at Durant.

Nagsumite si Curry ng double-double na 20 points, 10 assists para giyahan ang dumayong Warriors.

Mainam na 19 points, 6 rebounds ang stat line ni James Wiseman sa kanyang NBA debut. Starter pa ni coach Steve Kerr si Wiseman, No. 2 pick ng Golden State noong November.

Hindi nakapaglaro para sa Warriors si Draymond Green (right foot). Nagbatian sina KD at Draymond pagkatapos ng laro.

Kumaripas agad ang Nets 40-25 pagkatapos ng first quarter sa 27 combined points nina Kyrie at KD, mula roon ay hindi na lumingon.

Tapos na ang boksing nang ilista ng Brooklyn ang 99-71 lead pagkatapos ng three.

The post Durant dinurog Golden State first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *