Dumadami ang OTB

UMABOT na sa mahigt 100 Off-Track Betting (OTB) station ang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force na magbaliknoperasyon kaya tiyak na malaki ang magiging bentahan sa mga darating na pakarera ng dalawang karerahan.

The post Dumadami ang OTB first appeared on Abante.

dumadami ang otb - Dumadami ang OTB
abante otb - Dumadami ang OTB

UMABOT na sa mahigt 100 Off-Track Betting (OTB) station ang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force na magbaliknoperasyon kaya tiyak na malaki ang magiging bentahan sa mga darating na pakarera ng dalawang karerahan.

Tanging ang Metro Turf at Manila Jockey Club Inc., (MJCI) na karera lamang ang may tayaan sa OTB dahil Mobile OTB ang gamit ng Philippine Racing Club Inc., (PRCI).

Nag-post ang Philippine Racing Commission (Philracom) sa Facebook page nila ng mga OTB na puwedeng mag-operate, galing ito sa Games and Amusements Board (GAB).

Pinakamarami sa Manila na may 31 OTB na nagbukas, sunod ang Quezon City na may 25.

Kaya tiyak na malaking ang sales pagtakbo ng Presidential Gold Cup sa Disyembre 27 kung saan ay sa San Lazaro sa Carmona, Cavite gaganapin.

“Iba talaga kapag OTB ang gamit masaya ang karera kasi nakakataya agad, kaya salamat at nadagdagan ang mga pinayagan na magbukas na OTB para kahit saan ako lugar na mapunta ay madali ako makahanap ng matatayaan,” saad ni Benito Collantes, karerista. (Elech Dawa)

The post Dumadami ang OTB first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *