Dream Big makikilatis

MAKIKILATIS ngayong araw ang tikas nina Dream Big at Dream Dancer sa magaganap na 3-year-Old & Above Maiden Race sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.

The post Dream Big makikilatis first appeared on Abante.

dream big makikilatis - Dream Big makikilatis
karera 1 - Dream Big makikilatis

MAKIKILATIS ngayong araw ang tikas nina Dream Big at Dream Dancer sa magaganap na 3-year-Old & Above Maiden Race sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.

Makakalaban ng dalawa ang 12 pang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) atbmay distansiyang 1,400 metro.

Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Patty Dilema si Dream Big habang gagabayan ni class A rider JA Guce si Dream Dancer.

May added prize na P10,000 sa owner ng unang kabayong tatawid sa meta, inaasahang magiging mahigpit na karibal ang mga kalahok na sina Rodrigo, Colegiala at Stripe Of Pink.

“Mahirap na karera, kasi Maiden race pero siyempre lamang na ‘yung madalas tumakbo kaya puwedeng sumilat alinman kina Rodrigo at Colegiala diyan,” saad ni Manny Rubio, tiyempista.

Ang ibang kalahok ay sina San Felipe, Biktori, Nice Tie Juan, Lets Get It On, Money Game, Maaasahan, Nicolili, Lucky One at House Of Gold.

Samantala, siyam na karera ang inihain ng Metro Turf Club ngayong Sabado. (Elech Dawa)

The post Dream Big makikilatis first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *