Doria, NU rumesbak sa Adamson

TUMUKA si Roselyn Doria ng 18 points upang trangkahan ang paghihimagsik sa first round tormentor Adamson University, 28, 26, 30-32, 25-21, 25-22, upang buhayin pa ang pag-asa sa semifinals at sipain na roon ang biktima.

The post Doria, NU rumesbak sa Adamson appeared first on Abante News Online.

doria nu rumesbak sa adamson - Doria, NU rumesbak sa Adamson
NU 3 - Doria, NU rumesbak sa Adamson

TUMUKA si Roselyn Doria ng 18 points upang trangkahan ang paghihimagsik sa first round tormentor Adamson University, 28, 26, 30-32, 25-21, 25-22, upang buhayin pa ang pag-asa sa semifinals at sipain na roon ang biktima.

Kaugnay ito ng pantaas na kurtinang sultada ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81 women’s indoor volleyball tournament se­cond round eliminations sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, Linggo ng hapon.

Kinahig ni 5-foot-10 team skipper at four-year middle blocker veteran Doria ang kanyang mga puntos sa likod ng 12 attacks, 5 service aces at 1 block sa hambalusang inabot ng dalawang oras at apat na minuto para iangat ang Bustillos-based squad sa ikaanim na puwesto sa 3-7 win-loss record.

Humampas rin para sa NU ang rookie duo nina Ivy Lacsina at Princess Robles na may 15 at 14 points, ayon sa pagkakasunod, at isalya ang mga balibolista ng San Marcelino sa 1-9 sa pagkabaon pang sa lalo sa ilalim at papaalamin na rin ito sa Last Eight.

Espesyal ang pagbabalik-win column ng NU para kay coach Norman Miguel dahil bukod sa nakaganti sila sa 15-25, 19-25, 22-25 loss noong Marso 3, may katagalan din ang pagdating ng isang ito mula sa walong paaralang liga.

“Happy kami dahil ang tagal naming hindi nagkaroon ng panalo since the second win namin, first round pa ‘yun. Masaya kasi noong nagkaroon kami ng changes sa system namin,” pahayag ng NU coach. (Janiel Abby Toralba)

The post Doria, NU rumesbak sa Adamson appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *