Doon ako sa dehado

NAGSIMULA ang pagkahilig ko sa NBA noong 90s kung saan bumuo ng dinastiya ang Chicago Bulls sa pamumuno ng ‘GOAT’ ng marami na si Michael Jordan.

The post Doon ako sa dehado first appeared on Abante.

doon ako sa dehado - Doon ako sa dehado
Ferdz Delos Santos BenchWarmer 4 - Doon ako sa dehado

NAGSIMULA ang pagkahilig ko sa NBA noong 90s kung saan bumuo ng dinastiya ang Chicago Bulls sa pamumuno ng ‘GOAT’ ng marami na si Michael Jordan.

Noon pa lang Bulls fan na ako.

Paglipat niya sa Washington Wizards, siyempre ‘yun na rin ang team ko dahil MJ fanatic po ang inyong lingkod.

Nang magretiro na ulit si MJ, nabaling ang atensiyon ko sa second coming ni Jordan na si Kobe Bryant kaya hanggang sa mga oras na nagretiro si ‘Black Mamba’ taong 2016 ay Los Angeles Lakers ang favorite team ko.

Nung mamatay si Kobe, aaminin ko, wala na akong partikular na paboritong team sa NBA.

Minsan Warriors ako dahil kay Stephen Curry, minsan Houston Rockets dahil kay Russell Westbrook at oo, umaasa akong magwawagi sa Western Conference ang Clippers dahil kina Kawhi Leonard at Paul George.

Pero Lakers ni LeBron James ang pumasok, at sila pa rin ang paboritong manalo ng korona sa 2019-2020 NBA season.

Mas lalong bumangis si LeBron kahit malapit na siyang mag-36 years old sa Disyembre 30.

May katambal pa siyang Anthony Davis na tiyak na magmamana sa trono niya sa Lakers kapag nagretiro na si ‘The King’.

Sa kabila nito, sa Miami Heat ang pusta ko sa championship.

Dehadong-dehado ang Miami, na kahit may Jimmy Butler, Goran Dragic, Bam Adebayo, Tyler Herro at Andre Iguodala ay tiyak na mahihirapan kina James at Davis, na mayroon pang Dwight Howard, Rajon Rondo, Danny Green at Kyle Kuzma.

Doon ako sa dehado, siyempre, proud Pinoy tayo dahil sa Filipino American coach na si Erik Spoelstra na balik din sa finals.

The post Doon ako sa dehado first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *