Doncic walastik, pinitik Rockets

Parehong lumiban sa kani-kanilang huling laro, balik sa starting lineup sina Luka Doncic at James Harden sa salpukan ng Mavericks at Rockets Lunes ng gabi.

The post Doncic walastik, pinitik Rockets first appeared on Abante.

doncic walastik pinitik rockets - Doncic walastik, pinitik Rockets
abante luka doncic 1 - Doncic walastik, pinitik Rockets

Parehong lumiban sa kani-kanilang huling laro, balik sa starting lineup sina Luka Doncic at James Harden sa salpukan ng Mavericks at Rockets Lunes ng gabi.

Parang walang iniinda si Doncic na humarabas ng 29 points, 14 rebounds at 9 assists para ihatid ang Dallas sa 101-92.

Wala si Doncic sa talo ng Mavs sa Chicago nitong Linggo dahil sa left quadriceps contusion.

Absent si Harden (sprained right ankle) sa panalo kontra Sacramento noong Sabado.

Kontra Dallas, kumayod din ng double-double na 21 points, 10 assists si Harden.

Napigil sa 14 points ang bagong backcourt partner ni Harden na si John Wall.

Mainit na inumpisahan ng Mavericks ang laro, nagpundar ng double-digit na 33-21 lead pagkatapos ng first quarter na inalagaan na lang hanggang final buzzer.

Umayuda ng 27 points at 7 rebounds off the bench si Tim Hardaway Jr. sa Dallas, may tig-15 markers pa sina Willie Cauley-Stein at Josh Richardson. (VE)

The post Doncic walastik, pinitik Rockets first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *