Doncic sunod na MVP

KATATAPOS pa lang ng 2019-2020 NBA finals ay may prediksyon na agad kung sino ang liyamado na maging Most Valuable Player sa susunod na season.

The post Doncic sunod na MVP first appeared on Abante.

doncic sunod na mvp - Doncic sunod na MVP
luka - Doncic sunod na MVP

KATATAPOS pa lang ng 2019-2020 NBA finals ay may prediksyon na agad kung sino ang liyamado na maging Most Valuable Player sa susunod na season.

Hinirang na regular season MVP si Giannis Antetokounmpo matapos nitong akbayan ang Milwaukee Bucks bilang topnotcher team sa Eastern Conference.

Subalit maugong ngayon ang pangalan ng batang si Luka Doncic ng Dallas Mavericks.

Patok si Doncic para maging MVP sa 2021 season kung saan ay 4-1 favorite ito sa SportsBetting.com.

Nasa pangalawa si Antetokoumpo na may 9-2 odds sunod si Stephen Curry ng Golden State Warriors.

Pumang-apat lang si Doncic sa voting nakaraan sa likod nina Antetokounmpo, Los Angeles Lakers star at Finals MVP winner LeBron James at James Harden ng Houston Rockets.

Sakaling magka-totoo ang prediksyon, magiging pinakabatang player bilang league MVP si Doncic.

Kasalukuyang may hawak ng record ay si Derrick Rose sa youngest MVP sa edad na 22 years at 191 days old nang nasa Chicago pa ito.

Si Doncic ay 22 taong gulang sa February 28, 2021. (Elech Dawa)

The post Doncic sunod na MVP first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *