Doncic, Mavericks inilibing Clippers

UMUKIT ng record 50-point halftime lead ang Dallas Mavericks matapos nilang ilampaso ang Los Angeles Clippers, 124-73, kahapon sa 2020-2021 NBA regular season action.

The post Doncic, Mavericks inilibing Clippers first appeared on Abante.

doncic mavericks inilibing clippers - Doncic, Mavericks inilibing Clippers
abante luka doncic - Doncic, Mavericks inilibing Clippers

UMUKIT ng record 50-point halftime lead ang Dallas Mavericks matapos nilang ilampaso ang Los Angeles Clippers, 124-73, kahapon sa 2020-2021 NBA regular season action.

Umiskor si Luka Doncic ng 18 sa kanyang 24 points sa first half upang ilista ang 77-27 bentahe para sa Mavericks na nakabangon mula sa pagkatalo sa Los Angeles Lakers nakaraan.

“It’s the largest NBA halftime margin ever, surpassing the Golden State Warriors’ 47-point halftime lead over the Sacramento Kings on November 2, 1991,” ayon sa report ng Elias Sports Bureau.

Bumakas si Josh Richardson ng 21 puntos habang nag-ambag si Tim Hardaway Jr. ng 18 markers para sa Mavericks.

“This was obviously our best performance of all the games, pre-season and regular season,” hayag ni Mavericks coach Rick Carlisle.

“We had some uneven effort in the first couple of games.”

Kumana si Paul George ng 15 punto habang may 13 si Serge Ibaka para sa Clippers.

Ramdam ng Clippers ang pagkawala ng kanilang star player na si Kawhi Leonard na duguan sa huling laro nang hindi sinasadyang masiko ng kakamping si Ibaka sa mukha. (Elech Dawa)

The post Doncic, Mavericks inilibing Clippers first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *