Donasyong P5B ibibigay na ni MJ

SINIMULAN nang ibigay ni Charlotte Hornets owner at six-time NBA champion Michael Jordan ang pangakong $100 million (halos P5 bilyon) para sa Black community.

donasyong p5b ibibigay na ni mj - Donasyong P5B ibibigay na ni MJ
abante jordan 1 - Donasyong P5B ibibigay na ni MJ

SINIMULAN nang ibigay ni Charlotte Hornets owner at six-time NBA champion Michael Jordan ang pangakong $100 million (halos P5 bilyon) para sa Black community.

Tatanggap ang NAACP Legal Defense and Educational Fund at ang Formerly Incarcerated, Convicted Peoples and Families Movementng tig-$1 million (P50 milyon), habang ang Black Voters Matter ay tatanggap naman ng $500,000 (P25 milyon).

Ang pondo ay pangako ng NBA legend upang magamit para sa social justice, economic justice, education at awareness para sa mga Black people.

“I’m all in with Jordan Brand, the Jordan Family and our partners, who share a commitment to address the historical inequality that continues to plague Black Communities in the U.S.,” sabi ni Jordan sa isang statement kahapon.

Ipinangako ni Jordan ang $100 million donation noong Hunyo. (Ferdz Delos Santos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *