Doble-kayod sina Ceballos, Orendain

KULANG sa armas ang Generika-Ayala Lifesavers kaya naman inaasahang doble ang lalaruin nina Fiola Ceballos at Patty Orendain pagharap nila sa nag-uumentong Cignal HD Spikers sa Philippine Superliga All-Filipino Conference.

doble kayod sina ceballos orendain - Doble-kayod sina Ceballos, Orendain
ABANTE ceballos - Doble-kayod sina Ceballos, Orendain

BANAT ‘TEH!

Team Standings W L
F2 Logistics 11 0
Petron 10 1
Foton 7 5
Generika-Ayala 7 5
Cignal 6 5
PLDT 3 7
Sta. Lucia 2 12
Marinerang Pilipina 0 11

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
4:00pm — Marinerang Pilipinas vs PLDT
6:00pm — Cignal vs Generika-Ayala

KULANG sa armas ang Generika-Ayala Lifesavers kaya naman inaasahang doble ang lalaruin nina Fiola Ceballos at Patty Orendain pagharap nila sa nag-uumentong Cignal HD Spikers sa Philippine Superliga All-Filipino Conference.

Hindi pa rin makakalaro ang team captain ng Lifesavers na si Angeli Araneta kaya naman pinaalalahan ni head coach Sherwin Meneses ang kanyang mga bataan na mag-focus lang sa ginawa nilang adjustments.

“We have to move on from Araneta for now because our remaining games are crucial,” saad ni Meneses. “Our game against Cignal is very important to keep our chance at the third spot. But we have to focus on the team’s adjustment playing without Araneta first.”

Magsisimula ang bakbakan sa pagitan ng Generika-Ayala at Cignal sa alas-6:00 ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Kasalo ng Lifesavers­ ang Foton Tornadoes sa third spot tangan ang parehong 7-5 record, nagwagi ang Generika-Ayala sa kanilang huling laro kontra Sta. Lucia Lady Realtors 25-17, 20-25, 25-14, 25-9 nang magsanib puwersa sina Ceballos at Orendain. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *