Dizon: PBA Bubble mataas ang grado

NAKAKUHA ng mataas na rating ang Philippine Basketball Association (PBA) mula kay Secretary Vince Dizon, National Task Force against COVID-19 response Deputy Chief Implementer, matapos ang matagumpay na bubble ng 2020 Philippine Cup.

The post Dizon: PBA Bubble mataas ang grado first appeared on Abante.

dizon pba bubble mataas ang grado - Dizon: PBA Bubble mataas ang grado
abante pba 6 - Dizon: PBA Bubble mataas ang grado

NAKAKUHA ng mataas na rating ang Philippine Basketball Association (PBA) mula kay Secretary Vince Dizon, National Task Force against COVID-19 response Deputy Chief Implementer, matapos ang matagumpay na bubble ng 2020 Philippine Cup.

“Conservatively, siguro nasa mga 90 percent ang aking rating,” lahad ni Dizon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum. “Ang pinaka-importante ay walang nagkasakit. ”

Sabi ni Dizon, hindi magiging matagumpay ang PBA Bubble kung hindi sa pamumuno ni league commissioner Willie Marcial at mga bumubuo sa liga.

“Yung PBA bubble ay hindi magiging successful kung hindi dahil sa tulong at kooperasyon ng PBA leadership sa pamumuno ni Commissioner Willie,” paliwanag nito.

At bagama’t wala pang konkretong plano kung magkakaroon muli ng bubble o isang closed-circuit set-up para sa ika-46 season ng liga, ipinunto ni Dizon na patuloy ang kanilang suporta para sa PBA.

“Ang mako-commit namin sa IATF, regardless of bubble, semi-bubble, may audience o walang audience, gagawin naming lahat at sa NTF para suportahan ang PBA na matuloy ang 46th season,” diin ni Dizon na presidente rin ng Bases Conversion and Development Authority. (JAToralba)

The post Dizon: PBA Bubble mataas ang grado first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *