Diskarte ng mga PBA team, pinagsarahan ng MPBL

KAKAILANGANING maghintay pa hanggang sa susunod na taon bago makasampa ang mga Maharlika Pilipi­nas Basketball League (MPBL) player sa pro ranks, kasama na dito pati ang mga nanggaling na sa Philippine Basketball Association.

diskarte ng mga pba team pinagsarahan ng mpbl - Diskarte ng mga PBA team, pinagsarahan ng MPBL
ABANTE mpbl pba - Diskarte ng mga PBA team, pinagsarahan ng MPBL

KAKAILANGANING maghintay pa hanggang sa susunod na taon bago makasampa ang mga Maharlika Pilipi­nas Basketball League (MPBL) player sa pro ranks, kasama na dito pati ang mga nanggaling na sa Philippine Basketball Association.

Sa inilabas na memorandum ng semi-pro league na nilagdaan ni commissioner Kenneth Duremdes at founder Manny Pacquiao, bawal munang lumipat sa PBA ang mga current player na nakapirma sa 31 team sa MPBL.

Tatapusin muna ang kasaluku­yang Lakan Cup bago payagan ang mga manlalaro na maglipat-bakod sa pro competitions.

Dahilan ng MPBL, ginawa ito para ‘di masira ang diskarte ng kanilang mga koponan sa kalagitnaan ng season.

Kung sino man ang lalabag sa nasabing ruling na epektibo na noong Agosto 21 ay makakatanggap ng mabigat na kaparusahan, na ayon sa anak ni SMB head coach Leo Austria na si Bacon ay posibleng five-year ban.

“Any violation by any team or player this Memorandum may result to severe sanctions on the team and/or possible suspension or ban from the MPBL on the player,” ayon sa memo.

Ibig sabihin ay mapupurnada ang posibleng plano ng Phoenix Pulsena kunin sina ex-pro Mark Yee at Pamboy Raymundo na namataan na nag-eensayo na sa kanilang koponan.

Kasalukuyang nakapirma si Yee sa Davao Occidental Tigers, habang sa GenSan naman si Raymundo. (RMP)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *