Dirk nilampasan si Chamberlain

Dirk nilampasan si Chamberlain

BIG night ng career ni Dirk Nowitzki noong Lunes sa Dallas.

The post Dirk nilampasan si Chamberlain appeared first on Abante News Online.

dirk nilampasan si chamberlain - Dirk nilampasan si Chamberlain
dirk - Dirk nilampasan si Chamberlain

BIG night ng career ni Dirk Nowitzki noong Lunes sa Dallas.

Nilagpasan na ng 7-foot German sharpshooter si Wilt Chamberlain sa sixth place ng NBA career scoring list pero hindi nakayang isalba ang Mavericks sa 129-125 overtime loss sa dumayong New Orleans Pelicans.

Nilista ni Elfrid Payton ang panlima niyang sunod na triple-double sa 19 points, 11 assists at 10 rebounds para idiskaril ang milestone game ni Nowitzki, 41.

Sapaw din ang triple-double ni Dallas rookie Luka Doncic (29 points, 13 boards, 10 feeds).

Kinamada ni Julius Randle ang 11 sa kanyang 30 points sa final 3:29 ng regulation para pangunahan ang rally ng Pelicans at makapuwersa ng extra time. Ibinaon ni Doncic ang pangalawang free throw 1.9 seconds sa orasan para ibuhol sa 110.

May tig-6 points sina Payton at Frank Jackson sa OT.

Nabura ang record ni Chamberlain (31,419 points) sa bisa ng signature long-range jumpers ni Nowitzki sa labas ng free throw line 8:35 sa first quarter. Kinuha ng 40-anyos na German ang pasa ni Doncic, inatrasan si Kenrich Williams bago umikot para pakawalan ang tira.

Pumasok sa laro na nangangailangan ng apat para lagpasan si Chamberlain, starter si Nowitzki sa pangsiyam na pagkakataon ngayong season.

The post Dirk nilampasan si Chamberlain appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *