Dionela, iba pang volleyball star,nabanas kay Dzakovic

NADAMA ni BaliPure import Danijela Dzakovic ang hagupit ng mga volleybelle sa bansa tapos magkaisa dahil sa pambabatok kay libero Jewelle Bermillo sa laro, Sabado ng hapon sa 3RD Premier Volleyball League (PVL) 2019 Reinforced Conference second round eliminations.

The post Dionela, iba pang volleyball star,nabanas kay Dzakovic appeared first on Abante News Online.

dionela iba pang volleyball starnabanas kay dzakovic - Dionela, iba pang volleyball star,nabanas kay Dzakovic
bali 2 - Dionela, iba pang volleyball star,nabanas kay Dzakovic

WALANG BATUKAN!

NADAMA ni BaliPure import Danijela Dzakovic ang hagupit ng mga volleybelle sa bansa tapos magkaisa dahil sa pambabatok kay libero Jewelle Bermillo sa laro, Sabado ng hapon sa 3RD Premier Volleyball League (PVL) 2019 Reinforced Conference second round eliminations.

Sa nasabing insidente, binatukan ni Dzakovic si Bermillo tapos magsalubong sa pag-receive ng bola at maibigay ang 19-25 first set win sa Creamline Cool Smashers.

Agad namang nag-sorry si Dzakovic sa teammate, sinabing dala lang ng emosyon kaya nakasakit, ngunit huli na ang lahat dahil naaktuhan ng kamera ang ginawa ng Montenegro native.

Sa Twitter, bumuhos ang panggagalaiti sa import, sinabi na ‘di okay ang manakit lalo pa’t kakuwadra ang kanyang binanatan.

Ayon kina Cignal libero Jheck Dionela at PLDT Home Fibr ace Grethcel Soltones, ‘di angkop ang ginawa ni Dzakovic kay Bermillo.

“Bat kelangan mo pa batukan?” giit ni Soltones sa video ng pambabatok ni Dzakovic.

“HOYYYY WAG GANON” sey naman ni Dionela.
Maging sina Foton player Marian Buitre at PLDT spiker Jorelle Singh ay ‘di nakapagtimping patamaan ang BaliPure import.

Umalis na ng bansa si Dzakovic, umuwi na ng Montenegro Linggo ng umaga, dahil sa pagkatalo sa Creamline at tanggal na sa semifinals contention ang Water Defenders, tinapos ang conference ng walang panalo, 0-10 record. (Ray Mark Patriarca)

The post Dionela, iba pang volleyball star,nabanas kay Dzakovic appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *