Didal target Olympics

KAHIT matinding pahirap ang dulot ng coronavirus (COVID-19) ay maganda pa rin ang naging performance ni Filipina skateboarding queen Margielyn Didal sa nagdaang taon.

The post Didal target Olympics first appeared on Abante.

didal target olympics - Didal target Olympics
didal 1 - Didal target Olympics

KAHIT matinding pahirap ang dulot ng coronavirus (COVID-19) ay maganda pa rin ang naging performance ni Filipina skateboarding queen Margielyn Didal sa nagdaang taon.

Nagpakitang-gilas si Didal nang pagreynahan nito ang Asian Skateboarding Championships 2020 online skate video contest noong Hunyo.

Kaya naman nominado si Didal sa kauna-unahang Asia Skateboarding Awards 2020.

Pero tiyak na dadaan sa butas ng karayom ang Cebuana pride laban sa ibang nominado sa makasaysayang Asia Skateboarding Awards.

May 46 na bansa sa kontinente ang kasali para hangaring ikahon ang grand prize na $1,500.

Bukod sa masilo ang parangal, pakay din ni Didal na makakuha ng slot para makapasok sa Tokyo Olympics sa Hulyo. (Elech Dawa)

The post Didal target Olympics first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *