Didal, skateboarding hahakot ng medalya

Didal, skateboarding hahakot ng medalya

MALAKI ang tsansa ng Pinoy skaters na sumilo ng medalyang ginto sa darating na 30th Southeast Asian games sa November 30 hanggang December 11.

didal skateboarding hahakot ng medalya - Didal, skateboarding hahakot ng medalya
dial - Didal, skateboarding hahakot ng medalya

MALAKI ang tsansa ng Pinoy skaters na sumilo ng medalyang ginto sa darating na 30th Southeast Asian games sa November 30 hanggang December 11.

Dahil homecourt advantage, naniniwala si Skateboarding chief Monty Mendigoria na hindi basta magpapadaig ang Pilipinas itinuturing ang ating bansa na powerhouse sa Southeast Asia.

“Malaki ang chance natin, lalo na we are considered as a powerhouse in Southeast Asia,’’ saad ni Mendigoria, president ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP).

“But of course we have to work really hard lalo na sa mga ensayo.’’

Walong golds ang nakataya sa skateboarding’s street event, game of skate at downhill events para sa men’s at women’s categories.

Nakilala ang skateboarding sa Pilipinas nang sikwatin ni Margielyn Didal ang gold medal sa 2018 Asian Games.

Kaya naman markado si Didal pag-arangkada ng nasabing sport na lalaruin sa Tagaytay City.

Makakasama ni Didal sa pagwagayway ng bandila sina Filipino-Americans Christiana Means at Jericho “Kiko” Francisco kasama ang walo pang skaters. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *