Didal pasok sa semis ng 2019 World Skate

Didal pasok sa semis ng 2019 World Skate

NAKASIGURO ng pinaglalabanang Olympic qualifying points ang isa sa medal hopeful ng bansa na si Margielyn Arda Didal matapos itong makapasok sa semifinals ng ginaganap na World Championships ng Street League Skateboarding (SLS) Series ng World Skate sa Sao Paolo, Brazil.

didal pasok sa semis ng 2019 world skate - Didal pasok sa semis ng 2019 World Skate
didal 4 - Didal pasok sa semis ng 2019 World Skate

NAKASIGURO ng pinaglalabanang Olympic qualifying points ang isa sa medal hopeful ng bansa na si Margielyn Arda Didal matapos itong makapasok sa semifinals ng ginaganap na World Championships ng Street League Skateboarding (SLS) Series ng World Skate sa Sao Paolo, Brazil.

Sinabi ni Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines, Inc. (SRAPI) president Monty Mendegoria na unang nakatuntong sa Top 20 na quarterfinals ang 2018 Jakarta Asian Games gold medalist na si Didal kung saan nakapuwesto ito na pangwalo sa kabuuang 26 na naglaban.

Ang kasama ni Didal na si Fil-German Daniel Ledermann ay nabigo naman makapasok sa sunod na labanan matapos na magkasya lamang sa ika-56 puwesto mula sa sumaling 100 skaters sa men’s division.

Nagtala ng kabuuang 11.1 puntos si Didal mula sa isinagawang dalawang run na may tig-limang tricks upang umasa na makatipon ng kinakailangan nitong puntos upang makasama sa mga awtomatikong makakapagkuwalipika sa gaganapin na 2020 Tokyo Olympics.

Una nang namiligro ang tsansa ni Didal na makapagkuwalipika sa unang pagkakataon na isasagawa ang Park Skate event sa 2020 Tokyo Olympics matapos na mahulog sa pinakamataas na naabot na ikalimang puwesto pababa sa ika-13 puwesto sa inilabas na Olympic World Skateboarding Ranking for Women’s Street.

Hindi nakasali sa katatapos lamang na International Skateboarding Federation 5-star ranked na World Skateboarding Open sa Qinfeng, China si Didal dahil sa pinansiyal na problema sa gastusin.

Mayroon lamang natipon na kabuuang 14,630 puntos si Didal mula sa sinalihang unang tatlong torneo na SLS London Pro Tour, 5-Star Dew Tour at ang SLS Los Angeles Pro Tour. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *