Didal mani lang ang Olympics

TIWALA ang Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP) na magkukuwalipika si Pinay skateboarding sensation Margielyn Didal sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan na nausog sa susunod na taon.

didal mani lang ang olympics - Didal mani lang ang Olympics
abante didal - Didal mani lang ang Olympics

TIWALA ang Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP) na magkukuwalipika si Pinay skateboarding sensation Margielyn Didal sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan na nausog sa susunod na taon.

Kaya naman kailangan makapag-ensayo si Didal upang maging kondisyon at makapag-aral ng mga estilo.

Nakaraan lamang ay naglabas ang Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB) at Department of Health (DOH) ng Joint Administrative Order (JAO).

Ihahayag sa JAO ang mga patakaran para sa physical at sports activities habang nasa gitna ng laban sa coronavirus disease.

“We all recognize the importance sport plays in buil­ding one’s strong immune system, what we just wanted to ensure was that they keep safe and away from the virus while they are doing it,” hayag ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Pang-14 si Didal, nanalo sa Asian Skateboarding Championships 2020 Online Skate Lockdown Video Competition, sa World Skate official ranking para sa women’s street event.

Ayon sa World Skate, ang top three performers mula sa World Championships ang makakalaro sa Tokyo Olympics at ang 16 skaters ay may tsansa sa pamamagitan ng global rankings. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *