Diaz pinabalik sa training

Pinayagan na ng Armed of the Philippines (AFP) sina national weightlifter Hidilyn Diaz at boxer Eumir Felix Marcial ng kapwa Philippine Air Force (PAF) na magpatuloy ng training para sa Olympic Qualifying Tournament at 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa Hulyo 2021.

diaz pinabalik sa training - Diaz pinabalik sa training
tonite diaz - Diaz pinabalik sa training

Pinayagan na ng Armed of the Philippines (AFP) sina national weightlifter Hidilyn Diaz at boxer Eumir Felix Marcial ng kapwa Philippine Air Force (PAF) na magpatuloy ng training para sa Olympic Qualifying Tournament at 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa Hulyo 2021.

Kasabay ito sa pulong nitong Martes nina Philippine Sports Commission (PSC) Acting Executive Director Guillermo Iroy Jr., PSC-National Sports Association (NSA) Affairs Head Annie Ruiz, AFP Special Service Unit Chief Col. Rocky Binag at Philippine Olympic Committee (POC) Secretary General Edwin Gastanes sa renewal ng tripartite agreement sa detailed service ng national athletes na napaso nitong Mayo.

“We are working with the POC in drawing up the list,” pahayag kahapon ni Atty. Iroy na umaasang mapa-finalize ang kasunduan sa Agosto hinggil sa 78 players at 52 coaches ng 19 sports na mga sundalong atleta ng AFP na naka-detail sa PSC.

Hinirit naman ni Ruiz na dahil sa COVID-19 pandemic, uunahin ng PSC-NSA-AFP-POC ang mga qualified athlete na sa 2021 Tokyo Olympics at ang mga naghahabol na mag-qualify rin para sa quadrennial sportsfest. (Ramil Cruz)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *