Diaz, iba pang atleta tagtag

MASUSUBOK nang todo ang tibay at galing ng mga atleta ng bansa sa pangunguna nina Summer Olympic Games hopeful weightlifter Hidilyn Diaz, Tokyo Olympic-bound pole vauler Ernest John Obiena at iba pa sa inaasahang pagsabak sa apat malalaking paligsahan ngayong taon.

The post Diaz, iba pang atleta tagtag first appeared on Abante.

diaz iba pang atleta tagtag - Diaz, iba pang atleta tagtag
Hidilyn Diaz 1 - Diaz, iba pang atleta tagtag

MASUSUBOK nang todo ang tibay at galing ng mga atleta ng bansa sa pangunguna nina Summer Olympic Games hopeful weightlifter Hidilyn Diaz, Tokyo Olympic-bound pole vauler Ernest John Obiena at iba pa sa inaasahang pagsabak sa apat malalaking paligsahan ngayong taon.

Bagaman malaking kuwestiyon pa rin ang magiging situwasyon sa patuloy na nagaganap na coronavirus pandemic sa mundo, nakahanda ang Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) na ipadala pa rin nito ang mga magiging abalang manlalaro sa mga kompetisyon.

Nasa listahan ng mga palaro ang 6th Asian Beach Games sa April 2-10 sa Sanya, China, 3rd Asian Indoor and Martial Arts Games sa May 21-30 sa Bangkjok at Chonburi, Thailand, 32nd Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan sa July 23-August 8 at 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nov. 21-Dec. 2 kung saan defending overall champion ang ‘Pinas.

Babahagi rin ang mga atletang Pinoy sa 4th Asian Youth Games sa Shantou, China sa November 28-30, at sa 4th Asian Youth Paragames sa Manama, Bahrain sa December 1-10. (Lito Oredo)

The post Diaz, iba pang atleta tagtag first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *