DeRozan swap kina Kyle, Green

LUMALAPIT na ang takdang araw ng NBA Draft at opening ng free agency.

The post DeRozan swap kina Kyle, Green first appeared on Abante.

derozan swap kina kyle green - DeRozan swap kina Kyle, Green
lakers spurs - DeRozan swap kina Kyle, Green

LUMALAPIT na ang takdang araw ng NBA Draft at opening ng free agency.

Pero biglang lumutang sa usapan na interesado ang reigning 2019-2020 NBA champions Los Angeles Lakers kay San Antonio Spurs guard DeMar DeRozan.

Sakaling matuloy, posibleng ibigay ng Lakers sina Kyle Kuzma at Danny Green sa Spurs kapalit ni DeRozan.

Ayon sa ibang NBA analyst, walang depensa at hindi three-point shooter si DeRozan.

Subalit sa report ni Kevin O’Connor ng The Ringer, sinabi nitong malaki ang maitutulong ni DeRozan sa Lakers dahil naga-average siya ng 22 points, 5.6 assists at 5.5 rebounds mula sa 53-percent shooting at magaling din itong mamasa.

Malupit pa rin si DeRozan sa mid range nakaraang season at sakaling nasa bench sina basketball superstar LeBron James at Anthony Davis ay maaari niyang pamunuan ang koponan.

Sa ngayon ay wala pang pormal na usapan pero tiyak pagkatapos ng draft ay muling mabubuksan ang nasabing usaping trade kay DeRozan. (Elech Dawa)

The post DeRozan swap kina Kyle, Green first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *