DeRozan, Spurs Tinaob ang Raptors

Sa pagbibida ni DeMar DeRozan, pasado ang Spurs sa unang home game ng 2020-21 NBA season, kinalos ang dumayong Toronto Raptors 119-114 Sabado ng gabi sa AT&T Center.

The post DeRozan, Spurs Tinaob ang Raptors first appeared on Abante.

derozan spurs tinaob ang raptors - DeRozan, Spurs Tinaob ang Raptors
demar - DeRozan, Spurs Tinaob ang Raptors

Sa pagbibida ni DeMar DeRozan, pasado ang Spurs sa unang home game ng 2020-21 NBA season, kinalos ang dumayong Toronto Raptors 119-114 Sabado ng gabi sa AT&T Center.

Namuno sa San Antonio si DeRozan na nagsumite ng 27 points at 8 assists. Nagbaon ng clutch 3s ang 31-year-old, 6-foot-3 guard/forward at four-time All-Star para iligtas ang Spurs laban sa dating team.

Umayuda si Patty Mills ng 21 pts.off the bench.

Idinikit ng 3 ni DeRozan ang iskor sa 113-114, inagaw ng Spurs ang manibela sa put-back ni LaMarcus Aldridge 29 seconds na lang.

Sablay ang 19-footer ni Kyle Lowry sa kabila bago nagbaon ng dalawang free throws si Rudy Gay para sa San Antonio.

Tumapos si Aldridge ng 12 points, nagtuhog ng triple-double na 11 points, 10 rebounds at 10 assists si Dejounte Murray para sa Spurs.

Giniyahan ng 27 points ni Fred VanVleet ang Raptors, may 22 si Chris Boucher at double-double na 16 points, 10 rebounds si Lowry.

May mangilan-ngilang fans sa playing venue, pero puro kapamilya ng players.

March 10 pa huling nag-host ng laro ang San Antonio, isang araw bago suspendihin ang regular season dahil sa coronavirus pandemic. (Vladi Eduarte)

The post DeRozan, Spurs Tinaob ang Raptors first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *