Denden natatakam nang humambalos

PAAANGASIN pa ni Denden Lazaro ang Choco Mucho Flying Titans kapag nagbalik na ang aksiyon sa Premier Volleyball League.

denden natatakam nang humambalos - Denden natatakam nang humambalos
abante lazaro 1 - Denden natatakam nang humambalos

PAAANGASIN pa ni Denden Lazaro ang Choco Mucho Flying Titans kapag nagbalik na ang aksiyon sa Premier Volleyball League.

“I’m really happy to be under Coach Oliver (Almadro),” saad ng 5-foot-5 libero sa panayam nito sa “Off the Record” kasama si Migs Bustos.

“I’ve never played under him, so it’s a new system to get used to.”

Nakapag-training na si Denden kasama ang Flying Titans nang dalawang buwan ngunit dahil sa coronavirus pandemic, nahinto ang kanilang pag-eensayo.

“Noong una, sabi two weeks lang daw, then we’ll come back. Kami, sabi namin, sayang naman ‘yung na-build up na namin na teamwork, and ‘yung strength and endurance namin,” lantad ni Lazaro.

“And then, napatagal ng two months.”

Gayunman, hindi napanghihinaan ng loob si Lazaro na hangad na makabalik muli sa paglalaro.

“Hopefully, we get back to training soon,” saad ni Lazaro. “I’m sure a lot of athletes are looking forward to training and playing again. But you know, patience is a virtue.”

Makakasama ni Lazaro sa panig ng Choco Mucho ang kanyang former teammates sa Ateneo De Manila University na sina Maddie Madayag at Bea De Leon. (JAT)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *