Del Monte ‘nagpakain’

Pinakain ng alikabok ni Del Monte ang mga katunggali upang manalo sa Philracom Rating Based Handicap Race Linggo ng hapon sa pista ng Metro Turf Club sa Malvar-Tanauan, Batangas.

The post Del Monte ‘nagpakain’ first appeared on Abante.

del monte nagpakain - Del Monte ‘nagpakain’
abante horse 1 - Del Monte ‘nagpakain’

Pinakain ng alikabok ni Del Monte ang mga katunggali upang manalo sa Philracom Rating Based Handicap Race Linggo ng hapon sa pista ng Metro Turf Club sa Malvar-Tanauan, Batangas.

Pinuwestong pang-apat lang sa largahan ni class B rider Lester De Jesus ang kabayo at pinanood ang nagbabakbakan sa unahang sina Space Jam at Chesapeake Bay.

Pagsapit ng medya milya’y kumilos na si De Jesus at pinausad na pakonti-konti si Del Monte papalapit sa unahan. At sa huling kurbada’y nakakapit bago inagaw ang bandera sa rektahan ng winning horse.

Maangas din ang dating ni Deeper pero hindi kinaya ang tulin ni Del Monte na nalista ng tiyempong 1:27 sa 1,400 meter race na suportado ng Philippine Racing Commission.

Nakopo ni Del Monte ang added prize na P5,000. Sumegundo si Deeper habang tumersero si Miss Rosario . Pang-apat si Heirloom. (Elech Dawa)

The post Del Monte ‘nagpakain’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *