Dehado tumimbang, carryover sa Super 6

NAGKAROON ng carryover sa super six sa Race 1 sa naganap na PHILRACOM-RBHS Class 4 (16-21) Linggo sa Metro Turf sa Malvar-Tanuan City sa Batangas.

The post Dehado tumimbang, carryover sa Super 6 appeared first on Abante News Online.

dehado tumimbang carryover sa super 6 - Dehado tumimbang, carryover sa Super 6
race 4 - Dehado tumimbang, carryover sa Super 6

NAGKAROON ng carryover sa super six sa Race 1 sa naganap na PHILRACOM-RBHS Class 4 (16-21) Linggo sa Metro Turf sa Malvar-Tanuan City sa Batangas.

Nagawagi si Sharp Return at segundo si Kid Kenshin na parehong dehado, nakapasok din ang ibang dehado sa top six kaya walang karerista ang nanalo sa Super 6.

Terserong dumating ang liyamadong si La Carmona pero dehado ulit ang pumang-apat na Count Me In at ang pang-anim na si Felicity kaya nagkaroon ng P8,472.12 na carryover, tumawid na pang-lima si Daldalero.

Samantala, naungusan ni Noh Sen Young Yana si MR Manilenial sa huling 25 metro ng karera upang sikwatin ang panalo sa Three-Year-Old & Above Maiden Race.

Ipinuwesto ni star jockey Jonathan Hernandez si Noh Sen Young Yana sa pang-anim sa largahan at pinanood lamang ang mga nasa unahan na sina Jockey Choice at Mr. Manilenial.

Pagkakuha ng unahan ni Mr. Manilenial sa far turn ay umusad na rin ang winning horse.

Halos sabay sa rektahan sina Noh Sen Young Yana at MR Manilenial, pasikatan sa pagdadala sina Hernandez at class B rider BD Fulgencio.

Isang kabayo ang agwat ni Noh Sen Young Yana kay Mr. Manilenial pagtawid nito sa meta.

Nilista ni Noh Sen Young Yana ang 1:27 minuto tiyempo sa 1,400-meter race, nakopo ng owner nito ang karagdagang P10,000 premyo mula sa Philippine Racing Commission (Philracom). (Elech Dawa)

The post Dehado tumimbang, carryover sa Super 6 appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *