Dehadista pinasaya ni Dinalupihan

LUNDAGAN ang mga dehadista nang tawirin ni Dinalupihan ang meta at sikwatin ang panalo sa Group Race Merge (5-6) nitong Martes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

The post Dehadista pinasaya ni Dinalupihan appeared first on Abante News Online.

dehadista pinasaya ni dinalupihan - Dehadista pinasaya ni Dinalupihan
karera 3 1 - Dehadista pinasaya ni Dinalupihan

LUNDAGAN ang mga dehadista nang tawirin ni Dinalupihan ang meta at sikwatin ang panalo sa Group Race Merge (5-6) nitong Martes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nasa tersero puwesto papasok ng far turn, sa tabing balya pinadaan ni apprentice jockey, MM Cangas si Dinalupihan upang ungusan ang kasalukuyang bumandera noong si Smokin Saturday.

Bago pumasok ng huling kurba ay nasa unahan na ang winning horse sa event na may 1,300 meter distance.

“Kusang umuusad kaya pinabayaan ko kung ano gusto niya,” bulalas ni Cangas sa kanyang sinakyang nagwaging si Dinalupihan.

Pagtawag ng race caller kay Dinalupihan ay hiyawan na agad ang mga dehadista dahil alam nilang lalampas at makukuha ang panalo.

Dumating na segundo ang liyamadong si Box Office na sinakyan ni class A rider Kelvin Abobo habang tersero si Smokin Saturday.

Samantala, nagwagi sa Three-Year-Old & Above Maiden Race si Phenomenal, pinasibat ito sa race 1 sa distansyang 1,400m.

The post Dehadista pinasaya ni Dinalupihan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *