Dehadista nagpiyesta

Araw ng mga dehadista nitong Linggo matapos magsipanalo sina Calbayog at Stardust sa magkahiwalay na laban na sa San lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

The post Dehadista nagpiyesta first appeared on Abante.

dehadista nagpiyesta - Dehadista nagpiyesta
karera 5 - Dehadista nagpiyesta

Araw ng mga dehadista nitong Linggo matapos magsipanalo sina Calbayog at Stardust sa magkahiwalay na laban na sa San lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Hindi nakaporma ang limayadong si Senor Lucas nang maunahan siya ni Stardust sa largahan, dahilan upang manalong banderang tapos sa 25th MARHO Breder’s Sprint race.

Ratsada si Stardust na nirendahan ni class A rider Ryan Base paglabas ng aparato, sinikap ni Senor Lucas at Agi Daw na makadikit subalit matulin ang arangkada ng winning horse.

Hanggang sa huling kurbada hawak ni Stardust ang bandera kaya naman nanalo itong may dalawang kabayo ang agwat sa nasegundong si Agi Daw.

Umoras si Stardust ng 0:59 segundo sa 1,000 meter race sapat para ibulsa ng kanyang owner ang P300,000 na premyo.

Ubos din ang mga liyamadista nang manalo si Calbayog sa “MARHO Bredeer’s 3-Year-Old Colt & Filly Mile” na pinasibat sa Race 5. (Elech Dawa)

The post Dehadista nagpiyesta first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *