De Liano matikas, UP alpas sa DLSU

NAGSALPAK ng go-ahead trey sa final seconds ng regulation si Juan Gomez de Liano para isalba ang University of the Philippines (UP) kontra De La Salle University, 72-71, sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.

de liano matikas up alpas sa dlsu - De Liano matikas, UP alpas sa DLSU
de liano - De Liano matikas, UP alpas sa DLSU

NAGSALPAK ng go-ahead trey sa final seconds ng regulation si Juan Gomez de Liano para isalba ang University of the Philippines (UP) kontra De La Salle University, 72-71, sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.

Na-intercept ng dating Rookie of the Year ang pasa ni Aljun Melecio ng La Salle para sa kakampi, tumakbo sa kabilang court at nagpakawala ng go-ahead three-pointer sa natitirang 7.8 seconds para ibigay sa Fighting Maroons ang abante na nagtuloy sa panalo.

Hindi pumasok ang pambawi sanang tres ni Andrei Caracut at ang huling hirit na follow up ni Joaqui Manuel para sa La Salle, para makuha ng Fighting Maroons ang ikaapat na sunod na panalo tungo sa 5-1 kartada.

Tumapos si Kobe Paras ng 21 points, 2 rebounds, 2 steals, 2 blocks at isang assist, habang si reigning MVP Bright Akhuetie ay may 17 points, 14 rebounds, 3 assists at 2 steals.

Tumapos naman si de Liano ng 10 points at 5 rebounds.

Sa unang laban, nasungkit na ng National University (NU) Bulldogs ang unang panalo matapos katayin ang FEU Tamaraws, 61-39.

Namuno para sa koponan sina Dave Ildefonso na humataw ng 20 points, walong rebounds, Migs Oczon na may siyam na puntos at pitong rebounds at si Shaun Ildefonso na nagtala ng walong puntos, anim na rebounds.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *