Davis, James, Lakers mabagsik ‘Puso’ ng Miami kinapos

WALANG Bam Adebayo at Goran Dragic, sa likod ni Jimmy Butler ay nagawang sumabay ng Miami sa Los Angeles sa Game 2 ng NBA Finals bago naubusan sa dulo nitong Biyernes.

The post Davis, James, Lakers mabagsik ‘Puso’ ng Miami kinapos first appeared on Abante.

davis james lakers mabagsik puso ng miami kinapos - Davis, James, Lakers mabagsik ‘Puso’ ng Miami kinapos
abante lakers 4 - Davis, James, Lakers mabagsik ‘Puso’ ng Miami kinapos

WALANG Bam Adebayo at Goran Dragic, sa likod ni Jimmy Butler ay nagawang sumabay ng Miami sa Los Angeles sa Game 2 ng NBA Finals bago naubusan sa dulo nitong Biyernes.

Namiyesta si LeBron James ng 33 points, 9 rebounds at 9 assists, nagdagdag ng 32 points at 14 rebounds ang partner niyang si Anthony Davis, at kinubra ng Lakers ang 124-114 panalo tungo sa 2-0 lead.

Pag-iisipan ni Heat coach Erik Spoelstra kung paano makakapag-adjust para hindi malubog sa Game 3 bukas.

Nag-deliver pa ng 16 points at 10 assists si Rajon Rondo sa LA, lahat ng pumasok sa loob ay pumasok sa box score maliban kay JR Smith.

Si Meyers Leonard ang starting center ng Heat pamalit kay Adebayo, si rookie Tyler Herro ang humalili sa puwesto ni Dragic sa guard.

Nakapagsumite si Herro ng 17 points, 7 rebounds at 3 assists pero sa loob ng 9 minutes ay 7 points lang ang kinaya ni Leonard at walang naibabang rebound.

Si Kelly Olynyk ang nagpakitang gilas sa gitna para sa Miami sa iniambag na 24 points at 9 rebounds off the bench.

Nakapagsumite pa rin si Butler ng 25 points at 13 rebounds.

Nagpundar ng 68-54 lead sa halftime ang Lakers, bahagyang nakabawi ang Heat 39-35 sa third quarter. Sinabayan na lang ng Los Angeles ang galaw ng Miami sa fourth. (VE)

The post Davis, James, Lakers mabagsik ‘Puso’ ng Miami kinapos first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *