D-League: Collado, Saint Clare buhay pa

BUHAY pa ang BRT Sumisip Basilan-Saint Clare matapos makapwersa ng do-or-die Game 3 nang resbakan sa Game 2 kahapon ang Marinerong Pilipino, 74-60, sa 2019 PBA D League Foundation Cup Finals sa Cuneta Astrodome.

d league collado saint clare buhay pa - D-League: Collado, Saint Clare buhay pa
PBA D League - D-League: Collado, Saint Clare buhay pa

BUHAY pa ang BRT Sumisip Basilan-Saint Clare matapos makapwersa ng do-or-die Game 3 nang resbakan sa Game 2 kahapon ang Marinerong Pilipino, 74-60, sa 2019 PBA D League Foundation Cup Finals sa Cuneta Astrodome.

Hindi nagpaawat si Jessie Collado sa tinipang 20 points at 6 rebounds upang tulungan ang St. Clare na bawian ang Skippers.

Katuwang ni ni Collado sa opensa si Joshua Fontanilla na gumawa ng 14 points, 5 rebounds at 3 assists habang may 12 markers at 10 boards si Mohammed Pare para sa BRT Sumisip.

“Obviously, mas may energy kami ngayon especially on defense,” ani BRT Sumisip head coach Stevenson Tiu.

Nag-iisapng bright spot ng Marinero si Byron Villarias sa kinulektang 11 markers, habang nakakadismayang 2 points lang ang naiambag ni conference MVP Eloy Poligrates.

Sasambulat ang Game 3 sa Lunes Paco Arena sa Maynila. (Aivan U. Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *