Curry, Warriors pinaamo Bulls

Sa pangatlong subok, nagmartsa din sa unang panalo ngayong season ang Golden State.

The post Curry, Warriors pinaamo Bulls first appeared on Abante.

curry warriors pinaamo bulls - Curry, Warriors pinaamo Bulls
abante step - Curry, Warriors pinaamo Bulls

Sa pangatlong subok, nagmartsa din sa unang panalo ngayong season ang Golden State.

Record breaker ang performance ni Stephen Curry, pero ang 3-pointer ni Damion Lee 2.3 seconds na lang sa orasan ang nagligtas sa Warriors.

Nasipat ni Lee ang basket sa tuktok ng arc, pinakawalan ang bola at naligtasan ng Warriors ang Chicago Bulls 129-128 Linggo ng gabi.

Sa unang 3-pointer ni Curry sa first minute ng laro, naging pangatlong player siya sa kasaysayan ng NBA na nakapagbaon ng 2,500 career 3-pointers.

“Steph joins Ray Allen and Reggie Miller as the only players in NBA history to reach 2,500 career made threes,” tweet ng Golden State.

Nangailangan lang si Curry ng 702 games para marating ang milestone kumpara sa 1,021 ni Allen at 1,288 ni Miller.

Sa edad 32, hindi malayong agawan ni Curry (2,500) sina Allen (2,973) at Miller (2,560) ng puwesto sa all-time 3s made. Sa pitong sunod na seasons, wala siyang sablay na nagtuhog ng 200 total 3s.

Pasok din lahat ang unang anim na free throws ng two-time MVP para pahabain ang streak niya ng made free throws sa 61. Bagong franchise record ‘yun sa consecutive shots made sa stripe, binura ang 60 ni Rick Barry noong 1976.

Hindi naglaro kontra Bulls si Warriors center Marquese Chriss (ankle, lower leg) at wala pa rin si Draymond Green.

Nagsumite ng 36 points at 6 assists si Curry sa dikdikang laro sa Chicago, nagdagdag si Andrew Wiggins ng 19 points at 9 rebounds. May 15 points off the bench si Eric Paschall, tumapos ng 12 si Lee bagama’t napigil sa 7 points si James Wiseman. (VE)

The post Curry, Warriors pinaamo Bulls first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *