Curry, Warriors niratrat Pistons

INUMPISAHAN ng Golden State ang season sa two blowout losses, bumawi naman ng back-to-back wins huli ang kumbinsidong 116-106 decision laban sa Detroit nitong Martes.

The post Curry, Warriors niratrat Pistons first appeared on Abante.

curry warriors niratrat pistons - Curry, Warriors niratrat Pistons
Curry 1 - Curry, Warriors niratrat Pistons

INUMPISAHAN ng Golden State ang season sa two blowout losses, bumawi naman ng back-to-back wins huli ang kumbinsidong 116-106 decision laban sa Detroit nitong Martes.

Giniyahan ng 31 points ni Stephen Curry ang Warriors tampok ang 5 for 9 sa three-point teritory, nag-ambag ng maangas na 27 points, 7 rebounds si Andrew Wiggins.

Nilista ni Wiggins ang 17 points niya sa fourth quarter nang kalasan ang Pistons, 5 for 8 sa 3-pointers ang 2014 No. 1 overall pick.

“We’re getting better every game,” pahayag ni Wiggins. “Every game we’re learning, learning how to play with each other.”

Mainam din ang kontribusyon ni rookie James Wiseman sa Dubs.

Tabla sa 89-89 may 7:41 pa sa laro, humarabas sa sumunod na 1 ½ minutes ang No. 2 pick – rebound sa sablay ni Svi Mykhailiuk na nagresutla sa layup ni Brad Wanamaker, block kay Sekou Doumbouya tngo sa jumper ni Wiggins, at block pa kay Mason Plumlee sa lane bago hinabol ang loose ball at kumaripas sa kabila para a lay-in.

Tumapos si Wiseman ng 6 points at 6 rebounds. Nagdagdag si Kelly Oubre ng 14 points, may 10 pa si Eric Paschal off the bench.

Kinapos ang 27 points ni Jerami Grant at 17 ni Josh Jackson sa Detroit. (VE)

The post Curry, Warriors niratrat Pistons first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *