Curry swak ng 6 na tres

Splash party ni Stephen Curry at ng Golden State ang preseason finale.

The post Curry swak ng 6 na tres first appeared on Abante.

curry swak ng 6 na tres - Curry swak ng 6 na tres
Curry - Curry swak ng 6 na tres

Splash party ni Stephen Curry at ng Golden State ang preseason finale.

Twenty-nine points muli sa loob ng 29 minutes si Curry at inambus ng Golden State Warriors ang Sacramento Kings 113-105 sa Golden 1 Center Huwebes ng gabi.

Sa preseason finale, humaba na ang minuto ni Curry at may limang araw na pahinga bago basagin ng Warriors ang kampanya sa 2020-21 season sa opening night sa Brooklyn.

Apat na Warriors ang naka-dalawang 3-pointers sa first half lang, overall ay 20 for 43 sa labas ng arc.

Sinimulan ni Curry ang laro na 2 of 10 lang sa field, nang mag-init sa third quarter ay nagtuhog ng pitong sunod na puntos nang umpisahan ng Golden State ang second half sa 12-2 spurt, kasama ang isa sa kanyang anim na 3s.

Pasok ang unang limang tira ni Andrew Wiggins para tumapos ng 19 points, 3 assists at 3 blocks bago na-fouled out sa kalagitnaan ng third.

Best performance ng preseason din ang isinumite ni Kelly Oubre Jr. na 22 points mula 8 of 12 shooting at 4 for 6 sa 3s. Pinagsamang 13 for 26 mula long range sina Curry, Oubre at Wiggins.

Namuno sa Sacramento ang 17 points ni Harrison Barnes, may 12 assists De’Aaron Fox na pinalamutian ng 8 points. (VE)

The post Curry swak ng 6 na tres first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *