Curry pasabog ng career-high 62 pts

PINAGLIYAB ni Stephen Curry ang basket sa Chase Center nang sumabog ng dambuhalang 62 points para ihatid ang Golden State sa pambawing 137-122 panalo kontra bumisitang Portland Trail Blazers Linggo ng gabi.
The post Curry pasabog ng career-high 62 pts first appeared on Abante.


PINAGLIYAB ni Stephen Curry ang basket sa Chase Center nang sumabog ng dambuhalang 62 points para ihatid ang Golden State sa pambawing 137-122 panalo kontra bumisitang Portland Trail Blazers Linggo ng gabi.
Unang araw ng 2021 ay pinatikim ni Damian Lillard at ng Blazers ng 123-98 drubbing ang dinayong Warriors.
Sa rematch, walang naisagot ang Blazers sa palabas ni Curry.
Binura ni Curry ang dating career-high na 54 na nilista noong Feb. 27, 2013 kontra New York Knicks sa Madison Square Garden.
Sinapawan din ng kalahati ng Splash Brother ang career-high 61 points ni Lillard.
Sinalansan ni Curry ang mga puntos sa loob lang ng 36 minutes – 18 of 31 sa field, 8 for 16 sa 3-point range at isa lang ang isinablay sa 19 na free throws. May 5 rebounds at 4 assists pa siya.
Tumagal ng 39 minutes sa loob si Lillard at nagsumite ng 32 points.
Ayon sa ESPN Stats and Information, si Curry ang first player na may 62 o higit pa sa loob ng 36 minutes o mas mababa sapul nang magsalansan din si Kobe Bryant ng 62 sa 33 minutes kontra Mavericks noong Dec. 20, 2005.
Sa first quarter lang ay may 22 na si Curry – 27th ng career na may 20 o higit pa sa isang quarter.
Nang ibaon ang pang-walong 3 ng gabi kulang isang minuto na lang, takbo sa kanilang bench si Curry na nakababa ang mga kamay at sinalubong ng abot-tenga ang ngiting si Draymond Green.
Nilabas na ni coach Steve Kerr si Curry pagkatapos, isa-isang niyakap ng mga kakampi sa bench. Pagkatapos ng laro, nagpugay din ang Blazers kay Curry at niyakap ni Lillard bago lumabas. (VE)
The post Curry pasabog ng career-high 62 pts first appeared on Abante.