CSB 3-0 sa angas nina Gutang, Pasturan

PATULOY ang pagpapakitang-gilas ng College of Saint Benilde Blazers matapos nilang kalusin ang Mapua cardinals 71-67 kagabi sa 95th NCAA basketball tournament sa Mapua Gym sa Intramuros, Manila.

The post CSB 3-0 sa angas nina Gutang, Pasturan appeared first on Abante News Online.

csb 3 0 sa angas nina gutang pasturan - CSB 3-0 sa angas nina Gutang, Pasturan
ABANTE gutang1 - CSB 3-0 sa angas nina Gutang, Pasturan

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
12:00nn — San Sebastian vs San Beda
2:00pm — Lyceum vs Jose Rizal
4:00pm — Emilio Aguinaldo vs Arellano U

PATULOY ang pagpapakitang-gilas ng College of Saint Benilde Blazers matapos nilang kalusin ang Mapua cardinals 71-67 kagabi sa 95th NCAA basketball tournament sa Mapua Gym sa Intramuros, Manila.

Pinasan nina Justin Gutang, James Pasturan at Clement Leutcheu ang opensa para sa Taft-based squad upang ilista ang malinis na tatlong panalo at saluhan sa tuktok ng team standings ang defending champion San Beda University Red Lions.

Kinamada ni Gutang ang 12 points habang tig-11 ang kinana nina Pasturan at Leutcheu upang tulungan ang College of Saint Benilde na ibaon sa ilalim ang nagkukumahog na Cardinals.

Kontrolado ng Cardinals ang laro sa unang tatlong period kung saan lamang sila ng tatlong puntos, 49-46, papasok ng fourth.

Subalit naging matatag sa endgame ang Blazers sa pamumuno nina Gutang, Pasturan at Leutcheu kaya naman nasilo nila ang matamis na panalo. (Elech Dawa)

The post CSB 3-0 sa angas nina Gutang, Pasturan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *