Cray sasabak sa 4 na torneo

APAT na torneo sa susunod na dalawang buwan ang magtutukoy kung ang beteranong Rio de Janiero Olympian na si Eric Shawn Cray ay muling makabalik sa isasagawa ngayong taon na Olympics.

The post Cray sasabak sa 4 na torneo first appeared on Abante.

cray sasabak sa 4 na torneo - Cray sasabak sa 4 na torneo
cray - Cray sasabak sa 4 na torneo

APAT na torneo sa susunod na dalawang buwan ang magtutukoy kung ang beteranong Rio de Janiero Olympian na si Eric Shawn Cray ay muling makabalik sa isasagawa ngayong taon na Olympics.

Asam ni Cray na makapagkuwalipika sa men’s 400-meter hurdles, na kanyang matagal nang pinaghandaan para sa nalalapit na pagsali sa serye ng mga outdoor meet sa Amerika.

“He said he has been training since lockdown and wanted to qualify early for him to have more time to prepare and to train hard,” sabi ni Philippine Athletics Track and Field (PATAFA) president Philip Ella Juico.

Nakatakdang sumabak sa Enero 24 si Cray sa KMS Invitational sa Birmingham, Alabama Metro Cross Plex kung saan inaasahan ang malaking bilang ng mga imbitadong atleta.

Sunod nitong torneo ay sa Birmingham para sa KMS Open sa Enero 31.

Kasama sa kampanya ni Cray ang pagsali sa Prairie View A&M University Relays sa Prairie, Texas at panghuli ay sa University of Texas-El Paso Relays.

Hindi nakasabak sa mga torneo nakaraang taon si Cray dahil sa mahigpit na lockdown sa coronavirus sa paligid ng Texas.

Gayunman, napabilis nito ang tiyempo sa kanyang unang karera sa 2020 noong Pebrero 13 sa pagtatala ng personal best na 47.8 segundo sa Albuquerque, New Mexico. (Lito Oredo)

The post Cray sasabak sa 4 na torneo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *