Cray aabot sa Tokyo – coach

KONDISYON si Eric Shauwn Cray kaya tiwala si coach Samanta Cray na makakasilo siya ng ticket para sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.

The post Cray aabot sa Tokyo – coach first appeared on Abante.

cray aabot sa tokyo coach - Cray aabot sa Tokyo – coach
gray - Cray aabot sa Tokyo – coach

KONDISYON si Eric Shauwn Cray kaya tiwala si coach Samanta Cray na makakasilo siya ng ticket para sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.

Anang tactian, nasa tamang ensayo ang 2019 Southeast Asian Games PH gold medalist Fil-Am at may tsansang maabot ang Olympic qualifying standard na 48.90 segundo para sa men’s 400 meter hurdles.

“Eric is in the best shape he has ever been since his 48.98 personal best in 2016 and in comparison to practice, performing much faster than he was back then,” pahayag ntong Linggo ni Samantha.

Walang tigil sa pagsasanay ang 31-anyos na isa sa mga pambato ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), sa El Paso, Texas kahit may coronavirus disease (COVID-19) pandemic sa mundo noon pang Marso.

Bukod kay Cray, naghahangad din ng Olympic slots sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Chairman William Ramirez, sina Fil-Ams sprinter Kristina Knott, shot putter William Morrison, pole vaulter Natalie Uy, at marathoner Christine Hallasgo.

Tanging si pole vauler Ernest John Obiena pa lang ang qualified na sa quadrennial sportfest sa kuwadra ng PATAFA. (Elech Dawa)

The post Cray aabot sa Tokyo – coach first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *