COVID-19 bakuna sa player tiniyak ni Kume

Siniguro ni commissioner Willie Marcial sa 12 member teams na tutulong ang PBA sa pagbili ng coronavirus vaccines para sa players at sa kani-kanilang empleyado.

The post COVID-19 bakuna sa player tiniyak ni Kume first appeared on Abante.

covid 19 bakuna sa player tiniyak ni kume - COVID-19 bakuna sa player tiniyak ni Kume
7 3 - COVID-19 bakuna sa player tiniyak ni Kume

Siniguro ni commissioner Willie Marcial sa 12 member teams na tutulong ang PBA sa pagbili ng coronavirus vaccines para sa players at sa kani-kanilang empleyado.

“Sabi ko sa, sana makabili ng vaccine ang PBA para mabigyan natin ang players,” pahayag ni Marcial sa Power & Play program ni dating commissioner Noli Eala.

“Sabi (ng team governors), ‘Okay ‘yan, pero siguro naman kaya nan g teams ‘yan. Sagutin na ng teams ‘yung vaccination nila.’”

Naunang sinabi ng PBA chief na puwedeng makakuha ng bakuna ang players mula sa kani-kanilang teams, o ‘di kaya ay sa liga mismo kung kakailangani ang tulong niila ng mga prangkisa.

May players na nasa abroad sa kasalukuyan, posible na rin silang magpa-bakuna roon.

“Baka available na sa kanial doon (abroad). Kung bibigyan sila, pinapayagan sila. Bakit hindi?” lahad ni Marcial. “Kung ano lang ang dapat gawin o sundin, kung ano’ng sasabihin ng government. Kung pinapayagan ka, go.” (VE)

The post COVID-19 bakuna sa player tiniyak ni Kume first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *