COTY series sa Pasay lalargahan ngayon

UMPISA na ang 2020 LGBA Cocker of the Year race, isa sa mga panghatak ng Pasay City Cockpit, ngayon, Biyernes, tampok ang first leg 7–cock derby.

coty series sa pasay lalargahan ngayon - COTY series sa Pasay lalargahan ngayon
ABANTE 90 DERBY - COTY series sa Pasay lalargahan ngayon

UMPISA na ang 2020 LGBA Cocker of the Year race, isa sa mga panghatak ng Pasay City Cockpit, ngayon, Biyernes, tampok ang first leg 7–cock derby.

Sa Pebrero 21 sasali ang ibang Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) members habang Feb. 28 ang 4-cock finals.

Si sabong idol Patrick Antonio, solong kampeon sa Natio­nal Cockers Alliance (NCA) event nitong Peb. 4 ang liyamado sa derbing ito na mga handog ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Paborito rin sina LGBA president Nick Crisostomo, Honey Yu, Jun Sevilla, Arman Santos, Gerry Escalona, Zaldy Austria, Hector Magpantay, Ronnel Pasia, Gerald Go, Dennis Lumpay, Jimmy Junsay, Noel Cosico, Rey Magbuhos, Willard Ty, Toto Gregore, Edward Madlambayan at Dax Ganzon.

Nakalaan ang P500,000 at silver cup para sa COTY winner.

“The COTY series is exclusive to LGBA members only. For other gamefowl breeders, please prepare for the Luzon Breeder Cup (early bird stagfest) which starts on July 6,” ani Crisostomo.

Sa ibang detalye pa kontakin si Erica sa 0945 4917474, o si Ace sa 0939 4724206, 8843 1746 at 8816 6750. (Enjel Manato)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *