Corpuz pupunuan kawalan ni Pingris

BUMALIK ang injury sa paa ni Marc Pingris sa workout, nag-desisyon din si PJ Simon na mag-retire na, magkakasya ang Magnolia sa 14-man rotation sa PBA restart sa Clark bubble.

The post Corpuz pupunuan kawalan ni Pingris first appeared on Abante.

corpuz pupunuan kawalan ni pingris - Corpuz pupunuan kawalan ni Pingris
jack corpuz - Corpuz pupunuan kawalan ni Pingris

BUMALIK ang injury sa paa ni Marc Pingris sa workout, nag-desisyon din si PJ Simon na mag-retire na, magkakasya ang Magnolia sa 14-man rotation sa PBA restart sa Clark bubble.

Magsasalitan sina Jackson Corpuz at rookie Aris Dionisio sa slot ni Pingris, 39 na sa susunod na buwan.

“Okay naman kami sa frontcourt, kasi nga nandiyan pa sina Ian Sangalang, Rafi Reavis and Kyle Pascual,” pahayag ni coach Chito Victolero.

Magnolia at San Miguel Beer pa lang ang nakakalaro sa season, mag-isa sa Loss column ang Hotshots sa natikmang 94-78 drubbing sa opening night noong March 8. Makalipas ang tatlong araw ay kinansela ni commissioner Willie Marcial ang mga laro.

“’Nung nag-usap-usap kami, sabi ko sa kanila tayo lang may handicap na ganyan (0-1), pero itutuloy lang ‘yung conference,” lahad ni Victolero.

Isa-isang laro lang muna ang approach ng Hotshots.

“We’ll just try to prepare for our next 10 games para kahit paano, makapunta kami sa playoffs. Pagdating naman doon, ibang sitwasyon na naman ‘yun, eh,” paliwanag ng coach. “’Yun lang naman, one game at a time muna sa next 10 games namin.” (VE)

The post Corpuz pupunuan kawalan ni Pingris first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *