Constantinople binulaga si Heart And Soul

SINORPRESA ni Constantinople ang liyamadong si Heart And Soul matapos dumaan sa balya at maunang tawirin ang meta sa naganap Condition Race (18) nitong Sabado ng hapon sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

The post Constantinople binulaga si Heart And Soul appeared first on Abante News Online.

constantinople binulaga si heart and soul - Constantinople binulaga si Heart And Soul
karera - Constantinople binulaga si Heart And Soul

SINORPRESA ni Constantinople ang liyamadong si Heart And Soul matapos dumaan sa balya at maunang tawirin ang meta sa naganap Condition Race (18) nitong Sabado ng hapon sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Sinunggaban ni Heart And Soul ang bandera sa largahan, umabot sa anim na kabayo ang kanyang lamang papasok ng home stretch kaya naman halos lahat ng karerista ay naniniwa­lang masisikwat nito ang panalo.

Subalit naghiyawan ang mga nakataya sa segundo liyamadong si Constantinople nang umuungos ito sa balya sa huling 100 metro ng laban.

“Akala ko talo na ako kasi ang layo pa ni Constantinople sa hometurn, pero bigla akong nabuhayan ng makita ko na malakas ang da­ting niya at sa loob pa dumaan.” masayang­ kuwento ni Ericson Ladiana, isang karerista.  

Mahigit isang kabayo pa ang lamang ng winning horse sa nasegundong si Heart And Soul sa event na may distansyang 1,200 meter.

Tumersero si Wafu The King habang pang-apat si Pagkakaisa. (Elech Dawa)

The post Constantinople binulaga si Heart And Soul appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *