Cone pang-SEAG lang sa Gilas

NAIINTINDIHAN ni Ginebra coach Tim Cone na “one-and-done” deal lang ang pagtimon niya sa Gilas Pilipinas – para sa lang sa parating na 2019 Southeast Asian Games.

cone pang seag lang sa gilas - Cone pang-SEAG lang sa Gilas
tim cone 3 - Cone pang-SEAG lang sa Gilas

NAIINTINDIHAN ni Ginebra coach Tim Cone na “one-and-done” deal lang ang pagtimon niya sa Gilas Pilipinas – para sa lang sa parating na 2019 Southeast Asian Games.

Wala silang usapan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kung ano ang mangyayari pagkatapos ng Nov. 30-Dec. 11 biennial meet ng rehiyon.

Papasakan niya lang pansamantala ang posisyon na nabakante nang mag-resign si coach Yeng Guiao pagkatapos ng 0-5 campaign ng Gilas sa katatapos na FIBA World Cup.

“It’s just a stop-gap position. It’s not a commitment to the Gilas head coaching,” paglilinaw ni Cone nang makausap ng media nitong Linggo pagkatapos ng 102-83 win ng Gin Kings sa Alaska.

Kinausap daw siya ni SBP president Al Panlilio hinggil dito, binigyan din siya ng go-signal ng big bosses ng San Miguel Corp.

“It’s just that the SEA Games is coming in quick and they want someone to step up and do it,” dagdag ng two-time PBA grand slam coach. “So I could very easily be a one-and-done guy. Just go and coach the SEA Games, and that’s it.”

Naintindihan niya raw ito. Habang siya ang coach, magkakaroon pa ng pagkakataon ang SBP na ayusin ang search committee para maghanap ng gusto nilang coach hanggang 2023 kapag ini-host ng Pilipinas, kasama ng Japan at Indonesia, ang susunod na World Cup.

“I’m honored obviously that they thought about me. It wasn’t something I went and applied for – not that I wouldn’t if I knew the applications were out there,” wika pa ng winningest coach ng bansa. “They came to me and I’m really honored and flattered, and I’ll do what I can for everybody. And I’m perfectly okay with that.”

Hindi na bago si Cone sa national coaching. Siya ang humawak sa Centennial team noong 1998 Asian Games. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *