Concepcion ‘tumapang’ sa pambubuyo ni Ayo

Concepcion ‘tumapang’ sa pambubuyo ni Ayo

NAGPAULAN ng apat na sunod na tres nitong Linggo si UST Growling Tiger Sherwin Concepcion sa laban kontra FEU Tamaraws sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Ynares Center sa Antipolo City.

concepcion tumapang sa pambubuyo ni ayo - Concepcion ‘tumapang’ sa pambubuyo ni Ayo
sherwin concepcion - Concepcion ‘tumapang’ sa pambubuyo ni Ayo

NAGPAULAN ng apat na sunod na tres nitong Linggo si UST Growling Tiger Sherwin Concepcion sa laban kontra FEU Tamaraws sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Ynares Center sa Antipolo City.

“First half nawawala ako. ‘Di ako makadepensa. Ayoko mawala tiwala sa akin ni coach Aldin (Ayo),” sabi ni Concepcion.

“’Yung binibigay niyang tiwala sa akin gusto kong palitan. ‘Yung team namin gusto naming manalo at ginawa namin lahat ‘yun.”

Apat na three-point shot ang pinakawalan ni 6-foot-2 Concepcion para sa kanyang 12-point performance sa 82-74 victory ng koponan.

Sa second half ng laban, bumulusok si Concepcion para pangunahan ang Growling Tigers.

“Palaging sinasabi ni Coach Aldin na kapag hindi daw pumapasok mga tira ko, huwag daw ako mawalan ng kumpyansa at huwag mawala laro ko.” (Janiel Abby Toralba)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *