Commissioner’s Cup title puntirya ni Castro

PAUBOS na ang gasolina sa tangke ni Jayson Castro, pero bago isabit ang kanyang jersey ay may isa pang gustong idagdag ang Asia’s premier guard sa kanyang makulay na career.

commissioners cup title puntirya ni castro - Commissioner’s Cup title puntirya ni Castro
Abante 2019 Jayson Castro - Commissioner’s Cup title puntirya ni Castro

PAUBOS na ang gasolina sa tangke ni Jayson Castro, pero bago isabit ang kanyang jersey ay may isa pang gustong idagdag ang Asia’s premier guard sa kanyang makulay na career.

Isang titulo sa PBA, kung maaari ay ang Commissioner’s Cup.

Abot-kamay ni Castro ang misyon ngayong nasa finals na ang TNT KaTropa, sinipa sa trono ang defending champion Ginebra 3-1 sa semifinals.

“Siyempre, nandun na ako sa point na parang … patapos na ako sa peak ko, so eto ‘yung time na gusto kong manalo ng championship talaga,” aniya matapos ang 103-92 Game 4 win ng TNT Huwebes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

“Especially with Terrence (Jones) talaga na sobrang peak niya sa amin. At the same time, ‘yun nga, ang tagal na namin ‘di nagcha-champion,”­ dagdag ng 5-foot-10 guard na nagsumite ng 20 points mula 9 of 20 shooting, may 6 rebounds at 3 assists sa series-clincher.

Mula tapikin ng TNT bilang No. 3 pick noong 2008, buong career ni Castro ay ginugol sa team. Sa edad 33, aminado siyang pababa na rin ang laro.

Sa loob ng 11 years, naging six-time PBA champion ang The Blur pero huli noon pang 2015 Commissioner’s. Kasama sa koleksiyon niya ang dalawang Finals MVP trophies (2010-11 Philippine, 2011 Commissioner’s Cups.

Gusto raw niyang makuha ang titulo kabahagi ang mga mas batang kakampi.
“At the same time, ‘yung mga bago (sa team) na kailangan din nilang i-prove ‘yung sarili nila na ‘yung TNT, gusto naming makabalik kung ano kami dati.”

Hinihintay ng KaTropa sa best-of-seven Finals ang mananaig sa hiwalay na serye ng San Miguel Beer at Rain or Shine. (Vladi Eduarte)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *