Clarkson kumayod, Jazz lusot sa OKC

Clarkson kumayod, Jazz lusot sa OKC

The post Clarkson kumayod, Jazz lusot sa OKC first appeared on Abante.

clarkson kumayod jazz lusot sa okc - Clarkson kumayod, Jazz lusot sa OKC
jc - Clarkson kumayod, Jazz lusot sa OKC

KUMAMADA si Fil-American Jordan Clarkson ng 16 na puntos at apat na rebounds upang tulungan ang Utah Jazz sa 110-109 panalo laban sa Oklahoma City Thunder kahapon sa 2029-20 NBA regular season.

Naghabol ng apat na quarters ang Jazz at naging matatag sila sa bandang dulo upang sikwatin ang pangalawang panalo sa tatlong laro.

Tumikada ng go-ahead layup si Donovan Mitchell may pitong segundo na lang sa orasan upang ilagay sa tuktok ang Jazz at itakas ang mahirap na panalo.

Uminit ang opensa ni Clarkson sa second half, nakatuwang nito sina Mitchell, Bojan Bogdanovic at Mike Conley.

Kumana ng game-high 23 points si Bogdanovic habang tig 20 puntos ang inambag nina Mitchell at Conley.

Humarurot ng 8-0 run ang Oklahoma City sa simula ng fourth quarter para hawakan ng Thunder ang 95-86 bentahe pero kinapos pa rin para makuha ang panalo.

Namuno sa puntusan para sa OKC si LuGuentz Dort na may 26 markers. (Elech Dawa)

The post Clarkson kumayod, Jazz lusot sa OKC first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *