Clarkson ala Django sa pangangabayo

RELAX mode si Filipino-American basketball star Jordan Clarkson matapos ang 2019-2020 NBA season ng Utah Jazz.

The post Clarkson ala Django sa pangangabayo first appeared on Abante.

clarkson ala django sa pangangabayo - Clarkson ala Django sa pangangabayo
clarkson - Clarkson ala Django sa pangangabayo

RELAX mode si Filipino-American basketball star Jordan Clarkson matapos ang 2019-2020 NBA season ng Utah Jazz.

Idinaan ni Clarkson sa pangangabayo ang maagang pag-eksit ng Jazz sa NBA bubble sa Orlando, Florida.

Feeling Jamie Foxx sa 2012 movie na ‘Django Unchained’ ang Utah Jazz star habang nangangabayo na kung ikukumpara naman sa ‘Pinas ay ala-Leon Guerrero na pelikula noon ni Sen. Lito Lapid.

“Felt like Django riding in to town on the second vid,” caption ng 28-anyos na cager habang nangangabayo sa isang beach sa Tate, imbes na magmukmok matapos maligwak sa NBA.

Magugunitang lumabas na ng NBA bubble tournament si Clarkson matapos maolats kontra Denver Nuggets sa 1st round ng playoffs ang Utah.

Papasok sa free agency ang Fil-Am cager at sinabi nitong wala pa siyang plano sa kasalukuyan kung saang team pupunta o kung mananatili sa Jazz. (Aivan Episcope)

The post Clarkson ala Django sa pangangabayo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *